Painting, ninakaw sa loob ng isang resort sa Sto. Domingo, Albay

LEGAZI CITY – Hindi makapaniwala ang may-ari ng isang resort sa bayan ng Sto. Domingo, Albay na mananakaw ang painting na nakasabit lamang na inilagay sa loob ng isang kuwarto.

Sa salaysay ng may ari ng resort na si Joshua Martires, bandang alas 4 ng hapon nitong nakaraang araw nang madiskubre mismo ng kanyang ina na nawawala na ang nasabing painting.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Gawa umano ang painting ng tanyag na Bicolano artist na si Al Baleda.

Binili raw ito ng kanyang ina noong 2018 sa halagang mahigit pitong libong piso. Wala silang naiisip na ibang maaaring kumuha ng naturang painting maliban umano sa isa sa mga naging customer nila.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Nasa labas mismo ng kuwarto ang parking area kaya hindi basta-basta nila makikita ang pagnakaw sa nasabing painting.

Wala ring cctv ang nasabing resort.

Sa kabila nito, umaasa ang pamilya Martires na maibabalik pa sa kanila ang painting. Maaari umanong ipagbigay-alam sa kanila kung sino man ang makakakita o mapagbibilhan ng nasabing painting