Speaker Romualdez, pinakain ng balut sa US

Napalaban sa pagkain ng street food na balut ang Philippine delegation sa Estados Unidos na pinangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa kanyang courtesy call kay Representative Ami Bera ng California 6th District sa Capitol Hill, Washington, D.C., inalok nito ang grupo ni Romualdez ng beer at balut.

Ayon kay Romualdez, ang pag-aalok ng naturang street food ay simbolo ng pagkakamabutihan at kooperasyon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Kabilang sa delegasyon sina House Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, Deputy Speaker Jay-Jay Suarez, Majority Leader Mannix Dalipe, House Secretary-General Reginald Velasco at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Sa kanilang naging pulong, tinalakay nina Speaker Romualdez at Representative Bera ang regional issues at diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa lalo na sa pagtataguyod ng stability, kapayapaan at kasaganaan sa Asia-Pacific region.

Mahalaga umano ang kooperasyon habang iginagalang ang soberanya sa gitna ng kasalukuyang geopolitical landscape.

Bukod dito, napag-usapan sa pulong ang pagpapalakas sa defense capabilities, economic opportunities at pagpapatibay sa trade relations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *