Lalaki, patay matapos masunog ang isang tindahan ng LPG sa Bagong Silang, Caloocan

Nasawi ang 25-anyos na lalaki matapos sumiklab ang sunog sa isang tindahan ng LPG sa Barangay 176 sa Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tauhan ng nasunog na tindahan ang lalaking nasawi na natutulog nang sumiklab ang apoy.

Kinilala ang biktima na si Moriz Delez, at tubong probinsya.

Kwento ng mga residente, magkakasunod na pagsabog ang umalingawngaw dahil nga sa LPG ang laman ng tindahan.

Nadamay sa nangyaring sunog ang katabing bahay at isang paupahan.

Ayon pa sa mga nakasaksi, nadamay rin ang botika sa harapan ng tindahan dahil sa mga nagsiliparan na mga superkalan.

Nabatid na nagsimula ang sunog mag aalas dose kagabi na umabot sa unang alarma bago tuluyang naapula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *