“Chinese sleeper cells”, pinaiimbestigahan sa Kamara

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara upang paimbestigahan ang tinaguriang “Chinese sleeper cells” sa Pilipinas.

Batay sa House Resolution Number 1682, nais ng opposition lawmakers na silipin ng House Committee on National Defense and Security ang usapin kung saan mayroon umanong Chinese firms na nagbabalat-kayo bilang American o European companies na nagre-recruit ng mga dati at aktibong sundalong Pilipino sa social media.

Nakababahala anila na nangyayari ito sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.

Sinabi ng Department of Information and Communications Technology na inaalok ng Chinese companies ang mga target na Filipino recruits ng part-time jobs bilang analysts.

Punto ng Makabayan solons, kailangang masiyasat ito para sa interes ng mga Pilipino at iginiit na hindi dapat magsilbing battleground ng imperialist countries ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *