SP Zubiri- nanawagan sa DOTr at CAAP na payagan ang private-public partnership sa mga airports

Ibinahagi ni Senate President Migz Zubiri na linggo-linggo ay nakakatanggap siya ng mga reklamo mula sa mga kaibigan niya sa iba’t ibang lugar hinggil sa sa kanilang pangit na karanasan sa mga Philippine airports mula sa mga sira-sirang air conditioning units at maging escalator.

Maliban pa roon, isa pa umano sa mga hinaing na natatanggap niya ay ang kulang-kulang na upuan sa mga lounge area at maging ang delay at kanselasyon ng mga flights.

Alinsunod nito, pinaalalahanan niya ang mga kapwa kasamahan niya sa paglilingkod na huwag namang pahiyain ang bansa sa mga ganitong klaseng pagkukulang.

Maliban pa roon, nanawagan din siya sa Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na payagan ang private-public partnerships sa mga airports upang makatulong sa pagpapabuti sa mga paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *