NSC, wi-nelcome ang ‘overwhelming’ public support sa posisyon ng pamahalaan sa WPS

Wi-nelcome ng National Security Council ang resulta ng huling survey na nagpapakita ng ‘overwhelming’ public support sa posisyon ng pamahalaan sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag, sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año na ang mga Pilipino ay nasa panig ng kapayapaan at alam na ipaglaban ang tama at ang sariling pag-aari.

Sa huling resulta ng “Tugon ng Masa” survey para sa unang quarter ng 2024, 73 percent ng mga respondents ang pabor sa pagbibigay ng prioridad ng pamahalaan sa military action sa pagtugon sa mga banta sa soberenya at pambansang teritoryo.

Habang 68 percent naman ang sumusuporta sa patuloy na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines para mas epektibong maipagtanggol ang bansa laban sa foreign agression.

Nagpasalamat si Sec. Año sa mga mamamayan sa patuloy na suporta, kasabay ng pagtiyak na sa gabay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi aatrasan ng pamahalaan sa mga iligal, mapanghamon, agresibo at mapanlinlang na taktika sa West Phil. Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *