Walang nakikitang dahilan si Senate President Chiz Escudero para bigyan niya ng payo si Senadora Risa Hontiveros sa isinasagawang pagdinig nito tungkol kay Mayor Alice Guo na siyang konektado sa kamakailan na ni-raid na POGO hub sa Bamban, Tarlac.
Anya, tiwala siya sa kakayahan at kapasidad ni Hontiveros na unawain ang iba’t ibang isyung sangkot sa kanyang imbestigasyon.
Dagdag pa niya, tiyak niyang ikokonsidera ng senadora ang naging obserbasyon ng civic leader na si Teresita Ang See na tila nalilihis na ang usapin sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at nagiging zarzuela na.
Samantala, una ng pinabulaanan ni Hontiveros na pag-atake sa mga Pilipinong may lahing Tsino ang ginagawa niyang imbestigasyon kay Guo.