Paglikha ng 5,000 DepEd non-teaching position, aprubado na ng DBM

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management o DBM ang kahilingan ng Department of Education para sa paglikha ng 5,000 non-teaching positions para sa fiscal year 2024.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang paglikha ng libo-libong non-teaching positions ay sumasalamin anya sa commitment ni Pangulong Bongbong Marcos sa kapakanan ng mga guro at mag-aaral.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ide-deploy ang 5,000 non-teaching positions sa mga Administrative Officer II positions na may Salary Grade 11 para sa FY 2024, sa iba’t ibang School Division Office at mga paaralan sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region (NCR), Regions I, hanggang Region 12, at CARAGA.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Bukod dito, ang kailangang pondo para sa mga filled positions mula sa nilikhang mga posisyon, ay manggagaling sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa FY 2024 General Appropriations Act, habang ang Retirement at Life Insurance Premium ay babayaran mula sa Automatic Appropriations.