Patay ang isang miyembro ng Abu Sayaff Group sa pinagsanib na operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Tandubas, Tawi-Tawi kaninang madaling araw.
Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, kinilala ang nasawing ASG mmember na si Udon Hasim a.k.a. Utoh/Kah.
Si Hasim ay mayroong 17 warrants of arrest sa kasong murder at 4 warrants of arrest sa kasong frustrated murder.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng intelligence group , criminal investigation and detection group at special action force at target ng operasyon si Hassim.
Ngunit habang nagsisilbi ng warrant, nagpaputok ng baril ang grupo ni Udon na nagresulta sa armed encounter.
Apat na miyembro ng PNP-SAF ang nasugatan habang napatay si Udon at apat sa kanyang mga kasamahan ang nasugatan din.
Base sa impormasyon na inilabas ng PNP, si Hassim ay sangkot sa pananambang July 2023 sa talipao, sulu kung saan 23 sibilyan ang nasawi habang 14 pa ang sugatan, bukod dito ay sangkot din sa ilang kidnapping at iligal na droga ang nasawing suspek.