Farmers Cooperative sa Libmanan, Camarines Sur, pabor na i-permanente ang KADIWA Stores

CAMARINES SUR – Aprubado para sa Oragon Farmers Agricultures Cooperative sa Libmanan, Camarines Sur ang isinusulong na gawing permanente ang mga KADIWA Stores sa bawat lungsod at munisipalidad ng bansa.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Angelo Begino, Chief Operating Officer ng nasabing kooperatiba, malaking tulong kung maipepermante ito dahil malaki ang kinikita nila sa palaging paglahok tuwing naglalagay ng KADIWA Stores ang Department of Agriculture sa mga munisipyo. Karamihan sa kanilang kinikita ay mula sa nabebentang saku-sakong bigas sa Kadiwa.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa ngayon, inaasahan nila na mas darami ang kanilang ani dahil ilan sa mga miyembro ng kooperatiba ay benepisaryo ng contractual farming program ng National Irrigation Administration – Bicol kung saan lahat ng gastos mula sa banhi hanggang sa abono ay sagot ng ahensiya. Inaasahan din na ang mga palay na maaani mula sa ibinigay ng ahensiya ay mapupunta sa KADIWA Stores bilang bigas at ibebenta ng 29 pesos bawat kilo sa piling mga sektor.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Napag-alaman din kay Begino na hindi pa naman naaapektuhan ang kanilang mga pananim nitong labis na pag-uulan dala ng hanging Habagat ngunit aminado ang opisyal na kung sakaling magtuloy-tuloy pa ang sama ng panahon, maaaring may iilan na sa kanilang mga magsasaka ang maapektuhan nito lalo na’t malapit na rin sa flowering stage ang mga palay na naitanim na noong mga nakaraang buwan.