SP Escudero – tinawag na ‘perfectly delivered speech’ ang naging SONA ni Pangulong Marcos

Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang naging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa ipinakita umano nitong pakikinig sa hinaing ng mga Pilipino.

Kasunod nito, tinawag niyang ‘perfectly delivered speech’ ang SONA ng Pangulo na siyang tumagal naman ng isang oras at dalawampu’t dalawang minuto.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Ayon kay Escudero, para sa kanya ang mga unang sampung minuto ang naging highlights ng talumpati ng Pangulo na umiikot sa bigas, agrikultura at food security.

Maliban pa roon, isa rin umano sa mga naging magandang mensahe ng Pangulo ang pagtalakay nito sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at maging pagba-ban o pagbabawal nito sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.

Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Maalala, matapos ang naging SONA ng Pangulo ay nakatanggap ito ng standing ovation at maging palakpakan matapos niyang ideklara ang karapatan sa WPS at pag-ban sa POGO.