Pampanga, kayang lumago nang walang POGO ayon sa isang House leader

Buo ang suporta ni House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na ipatigil na ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Ayon kay Gonzales, nakalulungkot na nadungisan ang imahe ng lalawigan dahil sa presensya ng pinaniniwalaang POGO hub sa bayan ng Porac na sinalakay ng mga awtoridad.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Isa pang establisimiyento na hinihinalang POGO front ang matatagpuan aniya sa bayan ng Mexico.

Punto ng kongresista, hindi kailangan ng Pampanga ang POGO para umunlad lalo’t dahil nasa gitna ito ng Central Luzon, malapit sa Metro Manila at mayroong extensive road network ay mabilis na lumago ang ekonomiya nito.

Ang problema na lamang umano sa isyu ng offshore gambling ay ang enforcement kung saan dapat makipagtulungan ang national government agencies at lokal na pamahalaan kabilang ang mga barangay.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Samantala, naniniwala naman si CIBAC Party-list Representative Eddie Villanueva na dapat na ring sugpuin ng gobyerno ang lahat ng uri ng sugal sa bansa.

Sinabi ni Villanueva na mas matimbang ang masamang epekto ng POGO at mga sugal kaysa mga mararamdamang benepisyo.