DA, ile-level up pa raw ang Kadiwa Program ng pamahalaan

Target ng Department of Agriculture na ilevel up ang Kadiwa Program ng gobyerno at makapagtayo ng permanenteng Kadiwa store sa 1,500 sites sa susunod na 3 taon para masilbihan na ang bawat munisipalidad at syudad sa buong Pilipinas.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Ito ay matapos mapabayaan ng matagal na panahon ang programa na inilunsad noon pang panahon ni dating Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu-Laurel, napakaganda ng programa at talagang napabayaan lamang kaya gagawin nilang permanente ang kadiwa sa buong bansa.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Plano naman ng DA na ipangasiwa sa mga agri coooperative ang Kadiwa store nang makatulong ito hindi lang sa mga consumer kundi maging sa mga magsasaka.