Hindi naniniwala si Senate President Francis Joseph “Chiz” Escudero na walang tumulong na Pilipino at mga opisyal ng gobyerno sa pagsibat ni Alice Guo sa bansa.
Ito ay kasunod ng naging pagsagot ni Guo kahapon sa pagdinig ng Senado na walang Pilipino at taga-gobyerno na umalalay sa pagtakas nila nina Shiela at Wesley Guo.
Nakatitiyak si Escudero na may tumulong sa dating alkalde.
Dahil dito, dapat umanong matugis at mahuli ang mga ito.
Samantala, naniniwala naman ang senador na may death threats nga si Guo.
Pero kung gaano umano ito kalaki, nakadepende ito sa impormasyong maibibigay ng former mayor.
Mababatid na duda ang ilang senador sa ipinipilit na banta sa buhay ng kampo ni Guo.