Naniniwala si Vice President Sara Duterte na kontrolado nina House Speaker Martin Romualdez at House Appropriations Committee Chair and Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co ang budget ng bansa.
Ito ay matapos magpahiwatig ni VP Sara dahilan ng pagtanggi nito na sagutin ang mga katanungan sa nakaraang OVP budget deliberations.
Dagdag pa ni Sara, dahilan rin ito bakit siya nagbitaw bilang DepEd chied noong Hunyo 2024.
Maaalalang hindi sumipot ang Bise Presidente kanina sa pagpapatuloy ng House Appropriations Panel Deliberations para sa proposed bugdet 2025 ng OVP.
Pinabulaanan naman ni Co alegasyon ni Duterte.
Ayon kay Co, napakalaking ‘pambubudol’ lang ito.
Giit ng mambabatas, isang diversion tactic ang video message ni VP Sara hingil dito, at ayaw lang nitong magpaliwanag.
Tulad aniya ng kaniyang tatay, gustong ilihis ni Duterte ang usapin sa tunay na isyung kinahaharap niya.
Mababatid na pag-defer sa deliberation ay kasunod ng umano’y mga pagdududa sa budget ng OVP.
Ang pondo ng opisina ng bise presidente ang tanging budget na hindi pa rin naitataas sa plenaryo.