Patay ang isang menor de edad na si alyas Dadoy matapos pinagbabaril sa loob mismo ng Barangay Hall sa Marinig, Cabuyao City, Laguna.
Ang suspek na 44-anyos na residente ng nasabing barangay ay nakapiit na sa Custodial Facility ng Cabuyao Component City Police Station at sasampahan ng kasong murder.
Mariin namang kinondena ng Kapitan ng Barangay ang nangyaring insidente.
Sa kanyang pahayag, sinabi nito na makakaasa ang naulilang pamilya ng biktima na makakamit ang hustisya at paiiralin ang rule of law.
Sa ngayon ay gumugulong na ang imbestigasyon sa nangyaring pagpaslang.