Fake news na dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites, pinaiimbestigahan na ni Eleazar

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar kung sino ang source ng fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa mga vaccination sites kahit walang appointments.

Ayon kay Eleazar, inatasan na nya partikular ang Anti-Cybercrime Group para magsasgawa ng malalimang imbestigasyon dahil nakasira ang nasabing insidente sa vaccination program ng pamahalaan.

Ginawa ng PNP chief ang pahayag matapos mag-inspeksyon sa isang mall sa Cubao, Quezon City na nagsisilbing vaccination site.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nakitang nagdagsaan ang mga tao roon kaninang umaga kahit na wala namang confirmed appointments ang marami sa mga ito.

Katulad ito sa nangyari sa Maynila, Antipolo City, at Las Piñas noong mga nakaraang araw kung saan dumagsa ang publiko sa vacciation sites matapos makatanggap ng pekeng impormasyon na mga mga bakunadong tao lamang ang pwedeng makalabas ng bahay.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Dahil dio, nanawagan si Eleazar sa publiko na wag maniwala sa mga di berepikadong impormasyon dahil ang basehan ng paglabas ng mga authorized personnel outside of residence at non APOR ay hindi kung nabakunahan na.

Una nang sinabi ni Quezon City Police District director Police Brigadier General Antonio Yarra na maraming nagsipuntahan sa vaccination site para magbaka sakaling mabakunahan kung di man dumating ang mga naka-schedule para sa vaccination.