‘Bagong COVID-19 cases sa NCR, mahigit 2,800 sa isang araw; pinakamataas simula May’

Lumagpas na sa 2,800 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) kahapon habang nakasailalim ang rehiyon sa enhanced community quarantine (ECQ).

Sa inilabas na datos ng OCTA Research Group, ito na ang pinakamataas na kaso simula May 2, nang isailalim ang NCR sa modified ECQ.

Dagdag ng grupo na umakyat ang reproduction rate sa Metro Manila ng hanggang 1.80 mula 1.56 noong nakaraang linggo.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sinabi ng grupo na ang malakas na upward trend at level ng bagong COVID-19 cases sa NCR ay pareho noong March 9 hanggang 15 ngayong taon bago muling ipatupad ang ECQ sa Metro Manila.

Anila, ang mabilis na growth rate ng mga kaso ng NCR ay nagpapakita na posibleng ang surge ay dahil sa Delta variant, at ang steady increase ng reproduction number ay possible namang dahil pinalitan na ng Delta variant ang mga dating dominant variants gaya ng Alpha at Beta.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Nananatili naman umanong nasa “safe” zone ang ICU occupancy para sa COVID-19 sa NCR na nasa 59 percent pero binigyang diin ng grupo na naitala ang pagtaas ng occupancy sa average na 11 per day sa nakalipas na dalawang linggo.