Sorsogon, pumangalawa sa animal bites noong 2021

SORSOGON CITY – Pumangalawa sa may pinakamataas na animal bites ang lalawigan ng Sorsogon, ayon ito sa tala ng Department of Health Bicol.

Nakapagreshistro ang lalawigan ng 10,552 bite cases at 6 na human deaths.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Nanguna naman ang lalawigan ng Camarines Sur na may naitalang 15,921 animal bites noong nakaraang taon at 35 human deaths dahil sa rabies.

Ayon sa Kagawaran, tumaas ang bilang ng nakagat ng hayop dahil nahadlangan ng pandemya ang kanilang rabies program.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Tuwing buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang Rabies Awareness at ang tema ngayong taon ay “Rabies-free na Pusa’t Aso, kaligtasan ng Pamilyang Pilipino.’’