20 Nanay inimbitahan sa presinto para sa libreng make-over

SORSOGON CITY – Kaugnay pa rin sa selebrasyon ng International Women’s Month sa lalawigan ng Sorsogon, nabigyan ng make-over ang 20 nanay sa bayan ng Casiguran.

Inanyayahan ang mga nanay ng Brgy. Cawit ng nabanggit na lalawigan, sa himpilan ng pulisya, hindi para kasuhan kundi para bigyan ng gupit at manicuer-pedicure.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Inilunsad ang programa ng Casiguran Municipal Police Station kung saan bukod sa make-over habang hinaharana ng ilang pulis, nabigyan din sila ng kaalaman sa batas na nagpo-protekta sa kababaihan at mga bata.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Pinagkalooban din sila ng food packs at kaunting meryenda.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng himpilan sa lahat ng mga nakibahagi sa nasabing aktibidad.