Kaso ng HIV-AIDS sa SoCot, nasa 1,073 na

KORONADAL CITY — NASA 1,073 na ang naitalang kaso ng HIV-AIDS sa South Cotabato.

Ito ang inihayag ni Infectious Disease Program Coordinator John Arlo Codilla sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ayon kay Codilla sa nasabing datos, lima ang nagmula sa age group na 14-anyos pababa; 129 mula sa 15 hanggang 24-anyos; 55 mula sa 24 hanggang 34-anyos; 217 mula sa 35 hanggang 49-anyos at 10 mula sa age group ng mga senior citizens.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Nagmula naman sa mga bayan ng Polomolok, Banga at Koronadal City ang 15 panibagong kaso na naitala ngayong taon.

Patuloy naman ang mga hakbang ng ahensiya upang matulungan ang mga taong may HIV-AIDS.