Solusyon sa baha, pinag-usapan sa Malacañang kasama ang PSAC

Sentro ng pulong nina Pangulong Bongbong Marcos kasama ang Private Sector Advisory Council- Infrastructure and Digital Infrastructure Sector Groups ang pagresolba sa mga pagbaha sa Metro Manila at sa iba pang mga flood prone areas sa bansa.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nabatid na kahit walang bagyo basta umulan, agad nalulubog sa tubig-baha ang karamihan ng lugar sa Metro Manila, na nagiging pahirapan hindi lang sa mga residente kundi maging sa mga motorista at commuter.

Isa sa nakikitang paraan ni Pangulong Marcos ang pagpapatupad ng aggressive reforestation project upang masolusyunan ang pagbaha.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Gayundin ang mga inisyatiba na tutugon sa problema sa basura tulad ng waste-to-energy program.

Posible rin daw maging solusyon ang pagpapatayo ng mga high walls.