DBM, naglabas ng P1B pondo para sa mga biktima ng Marawi Siege

Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang isang bilyong pisong Special Allotment Release Order para sa Marawi Siege Victims Compensation para sa 2024.

Sabi ng DBM, ang naturang alokasyon ay magbibigay kompensasyon para sa 574 na benepisyaryo partikular ang mga biktima ng giyera.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, mahalaga ang pondo para bigyang tulong ang mga naapektuhan ng labanan at layon nitong tuluyang makabangon ang mga kababayan sa Marawi.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Nilinaw naman ng DBM na walang buwis ang kompensasyon, sakop nito ang mga naging biktima ng krisis sa Marawi noong 2017 partikular para sa mga pamilya ng mga nasawi sa giyera at para sa mga residenteng nawasak ang tirahan.