Pinuna ni Iloilo Rep. Janette Garin ang umano’y “palakasan”—o preference na ibinibigay sa partikular na lugar o indibidwal, sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Mungkahi ni Garin, na una nang nagsilbi bilang kalihim ng Department of Health na dapat magkaroon ng systematic at scientific way sa pamamahagi ng bakuna.
Tanong tulong ng mambabatas, bakit hindi umano ibigay ang bakuna para prevention? At bakit kung sinu ang tatawag, kung sinu ang kaibigan at kung sinu ang galit na, ay sila ang mabibigyan.
Para kay Garin, wala naman problema sa ganito, pero hindi dapat nalalagay sa alanganin ang mga lugar na gustong makakuha ng bakuna at ibang benepisyaryo na kailangan ng kanilang second doses.
Dahil dito, nanawagan ang kongresista kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maging “honest” sa kanyang trabaho at hindi lang ituro ang DOH bilang responsable para sa alokasyon ng COVID-19 vaccines.// MHEL PACIA-TRINIDAD