PH, nagtala ng 4,509 new cases; Active tally, bumaba sa 48,649

Nagtala ang Pilipinas ng 4,509 na mga karagdagang kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang infections sa 1,412,559.

Ito ang ikalawang pagkakataon ngayong linggo, na napaulat ang less han 5,000 na mga bagong kaso ng COVID-19.

Mula naman sa kabuoang tally, sinabi ng Department of Health na 3.4% o 48,649 ang active cases, kung saan 90.6% ang mild, 4.1 % ang asymptomatic, 1.5% ang kritikal, 2.2% severe at 1.63% ang moderate cases.

Kaugnay nito, nadagdagan ng 105 ang bilang ng mga pumanaw dahil sa naturang sakit, dahilan para tumaas ang fatality tally sa 24,662.

Umakyat naman ang total recoveries sa buong bansa sa 1,339,248, matapos gumaling ang 5,839 pang pasyente mula sa respiratory illness.

Samantala, hindi naman nakasama sa bilang ang resulta mula sa anim na laboratoryo na bilang makasumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).// MHEL PACIA-TRINIDAD