Naniniwala si Senador Migz Zubiri na posibleng nagkaroon lang ng ‘misunderstanding’ sa pagitan nila ni Senador Alan Peter Cayetano.
Kung maaalala – kagabi nang magkainitan ang dalawang Senador at muntik pang magsuntukan.
Viral ang isang video nito na hindi na nakuhaan ng official livestream dahil nag-adjourn na ang sesyon.
Nagtalo kasi ang dalawa dahil sa isang resolusyon hinggil sa disenfranchisement ng mga botante sa mga EMBO barangays na inilipat mula Makati City, papuntang Taguig City.
Sabi ni Zubiri – nagkausap na raw sila, at wala naman ding ‘hard feelings’.
Naiindindihan naman daw niya ang hugot ni Cayetano dahil alam niyang mahalaga sa kaniya ang Taguig.
Bago ito, una na ring nag-sorry si Cayetano.