Naniniwala si Senate President Migz Zubiri na isang pagprotekta sa West Philippine Sea (WPS) ang pag-invest sa mga imprastruktura sa Pag-asa island.
Kaugnay nito, personal niyang dinaluhan kasama sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito at Defense chief Gilbert Teodoro ang ground breaking ceremony ng Philippine Navy barracks at Super Rural Health Unit sa naturang lugar.
Ani Zubiri, sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga ito ay maipapakita ng Pilipinas sa China at sa iba pang bansa na mayroong gumaganang military unit sa Kalayaan na handang magpatrolya sa teritoryo at exclusive economic zone.
Maalala, isa lang ang proyektong ito sa mga ipinaglaban ni Zubiri sa kamakailang 2024 national budget.