Magbibigay ng Solar Powered Fertigation System o SPFS ang Department of Agriculture para sa mga rehistradong farmer organization sa apat na munisipyo ng lalawigan ng Zambales.
Ito ay para mas mapabilis ang pagtatanim ng mga benipisyaryo at mapataaas ang produksyon ng palay ng mga magsasaka sa lugar gamit ang makabagong technolohiya na mula pa sa bansang israel.
Ang apat na solar equipment ay ipamamahagi sa napiling farmer organizations sa Iba, Cabangan, San Antonio at San Marcelino na ibibigay sa susunod ng buwan.
Samantala ang solar powered fertigation system na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon ay kumbinasyon ng normal na irrigation system na kaya nang haluan ng fertilizer ang tangke nito habang nagpapatubig sa palayan.//Russell Banawa-BNFM IBA
