Municipal Hall ng Mercedes bukas na ulit ngayong Lunes makaraang isailalim sa disinfection.

CAMARINES NORTE – Bukas na ngayong Lunes ang munisipyo ng Mercedes, Camarines Norte at balik trabaho na rin ang mga empleado.

Ito ay makaraang pansamantalang isara sa publiko noong Biyernes matapos magpositibo sa COVID- 19 ang isang kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Kasunod nito ay nagsagawa ng full disinfection sa buong Municipal Hall batay na rin sa rekomendasyon ng Municipal Health Office.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Batay naman sa case bulletin ng MHO umaabot na sa 77 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

Sa bilang na ito anim ang aktibong kaso kung saan ang lima dito ay naka- confine sa ospital.

Umaabot naman sa 64 ang mga gumaling na sa sakit habang pito ang nasawi.

Patuloy din ang paaala ng MHO na sundin ang Minimum Health Standards kontra COVID- 19 tulad ng pagsususot ng face mask at face shield, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa kabila ng mga paalalang ito, may mga tao pa ring hindi sumusunod sa mga health protocols.

Pinakamahirap itong ipatupad sa Fish port kung saan madalas na hindi nasusunod ang social distancing at may iba ring hindi nagsususot ng face mask.