SOH Herbosa, muling ni-reappoint

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Teodora ‘Ted’ Herbosa bilang kanyang health secretary.

Ito’y ilang araw matapos ipagpaliban ng Commission on Appointments (COA) ang kanyang kumpirmasyon dahil sa kakulangan sa oras.

Dahil ang Kongreso ay nasa break simula Setyembre 30 hanggang Nobyembre 5, ang appointment ni Secretary Herbosa ay na-bypass ng komisyon at kailangan niya ng muling pagtatalaga upang manatili sa puwesto.

Nauna namang nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na makukuha nito ang kumpirmasyon bilang kalihim kapag nagpatuloy na ang sesyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *