Bagong modus, tinututukan ng PDEA 12

KORONADAL CITY- TINUTUTUKAN ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 ang bagong modus ng delivery ng ilegal na droga.

Inihayag ni PDEA 12 information officer Kat Abad na batay sa memorandum ng national headquarters, gumagamit na ngayon ang mga sindikato ng sasakyan na naka-park sa mga establisemento komersyal.

Modus ng mga ito na iwan ang kontrabando sa sasakyan na nakapark at ibibigay ang susi nito sa contact na buyer upang kunin ang droga sa sasakyan.

Ayon kay Abad, nakipag-ugnayan na sila sa pamunuan at guwaridya ng mga malls at mga establisemento na may parking areas upang inga nakig-angot na sila sa mga guwardiya sang mga malls, kag mga establisemento nga may parking areas agud i-monitor at i-report ang mga kaduda-dudang indibidwal at mga sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *