LEGAZPI CITY – Isang malaking hamon ngayon sa Commission on Election (COMELEC) Albay ang pagpapatupad ng social distancing tuwing mayroong magsusumite ng Certificate of Candidacy na VIP politiko.
Ito ang inihayag ni Atty Aurea Bo Bonao, ang head ng Provincial Comelec Albay sa Brigada News Fm Legazpi.
Ayon kay Bonao, hindi nasunod kahapon ang social distancing dahil sa mayroong dumating na mga kilalang politiko kung saan siksikan at maingay ang mga local media sa waiting area.
Aniya, malinaw naman ang mga instructions ng ahensya sa mga media tungkol sa minimum health protocols.
Nakikiusap ang tanggapan sa mga kukuha ng mga politiko ay kailangan sundin ang alituntunin sa health protocols upang hindi magkaroon ng problema at makaiwas sa sakit na coronavirus disease (covid) 19.
Tanging sina Cong. Joey Sarte Salceda ng 2nd District ng Albay ang nagfile ng kanyang COC habang inatasan na magfile ng COC si Abner Brigino kahapon bilang representative ni Cong Edcel Lagman ng 1st District ng nasabing lalawigan.
Dagdag pa nito, general peacefull naman sa unang araw ng pagfile ng COC ng mga pulitiko sa lahat ng mga comelec offfices sa Albay.
Inaasahan ng opisyal, sa mga susunod na araw ay maaari ng magsipagdatingan rin ang buong kandidato magmula sa Gobernador hanggang Board member habang sa ibang munisipyo ay magsusumite rin ang mayors hanggang konsehal na kanilang partido upang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy.
Samantala, tanging nag iisa pa lng ang nakapaghain ng COC sa comelec legazpi na si Renato Poso Victoria, isang Independent na tumatakbong bilang konsehal ng Sangguniang Panglungsod