Qualified voters na hindi pa nakakapagparehistro hinimok na samantalahin ang pinalawig na voter registration

CAMARINES NORTE- Hinimok ng isang pari sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga kwalipikadong botante na hindi pa nakakapagparehistro na samantalahin ang pinalawig na voter registration na magsisimula sa October 11- 30 ng taong kasalukuyan.

Ayon Father Salvador Babala IV, Parish Priest at Rector ng Shrine of Jesus the Black Nazarene at Parish of St. Lucy sa bayan ng Capalonga, na sa mga nabanggit na petsa ay maaring magtungo sa mga tanggapan ng Commission on Elections para magparehistro.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Mababatid na  nagsagawa ng enc banc meeting ang Comelec noong September 30 at pinalawig  ang voter registration sa gitna na rin ng kahilingan ng iba’t ibang sektor.

Sa extended voter registration ay walang pagpaparehistro sa araw ng Sabado maliban sa huling araw nito sa October 30.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Pinaalalahanan din ng pari ang mga botante na kahit nasa listahan pa ay mas mainam na i- check pa rin ito sa Comelec.

May paalala naman ito sa mga kakandidato sa halalan sa May 2022.

Sana raw ay tunay talaga ang pag kandidato at ito ay alang alang sa bayan.