CAMARINES NORTE- Lomobo ng husto ang mga kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte noong Setyembre.
Batay sa datos na iprinesenta sa isinagawang operational period briefing kahapon nasa 865 ang naitalang kaso hanggang Setyembre 29.
Mas mataas ito sa naitala noong Agosto na mayroong 463 at 399 naman noong Hulyo.
Kapansin- pansin sa datos ng distribution of cases kada buwan na nagsimulang tumaas ang mga kaso noong Abril na mayoorng 120 na nagtuloy- tuloy na.
Sa unang tatlong buwan ng taon na mayroon lang 27 naitalang kaso.
Nasa alert level 4 ngayon ang lalawigan na nangangahulugang mataas ang average daily attract rate, puno o malapit nang mapuno ang mga ospital at ang pagkakaroon ng presensiya ng variants of concern.
Kaya naman simula kahapon, October 1- 31 ay isinailalim ng Inter Agency Task Force (IATF) for emerging infectious diseases ang lalawigan ng Camarines Norte sa General Community Quarantine (GCQ).
Sa ilalim ng pangkalahatang guidelines sa GCQ ipinagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga edad 17 anyos pababa at 66 pataas gayundin ang mga mayroong comorbidities at buntis.
Hindi pinapayagang mag operate ang entertainment venues at recreational venues, amusement parks, outdoor sports, casinos, sabong, lottery and betting shops at iba pang gaming establishments.
Hindi rin pinapayagan ang face to face classes.
