Sniffing Dog launching para sa Search and Rescue operations sinagawa sa Legazpi City-BFP Bicol

LEGAZPI CITY – Isasagawa mamayang 10 ng umaga ang launching ng Sniffing Dog para sa Search and Rescue Operation na papangunahanbng Bureau of Fire Protection (BF) Bicol sa lungsod ng Ligao.

Ayon kay Senior Superintendent Ricardo Perdigon, ang Regional Director ng nasabing ahensya, anim na buwan na isasailalim sa pagsasanay ang mga nasabing hayop dahil sa hindi rin biro ang pagdadaan ng mga ito.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, malaking tulong ang K9 Dogs sa BFP para mapabilis ang paghahanap ng taong nawawala.

Inihalimbawa rin nito sa panahon ng Yolanda kung saan nahirapan din ang mga ito na maghanap ng mga taong nawawala, dahil dito ay mapapadali na rin ang kanilang paghahanap ng mga tao.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sinabi ng opisyal, ang pag improved ng BFP ay bahagi na rin ng modernization program.

Ayon pa dito, aabot sa 18 K9 unit ang isasailalim sa pagsasanay para sa search and rescue operation.