CAMARINES NORTE- Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong isang linggo ang pagbabago patungo sa modern platform bilang bahagi ng Digital Transformation ng ahensiya.
Mula kasi sa dating 23 taon nang Integrated Tax System (ITS) ay dahan- dahan nang lumilipat sa Internal Revenue Integrated System (IRIS) para sa mas epektibong tax compliance monitoring and risk- based audit na napakahalagang kasangkapan upang matiyak ang tinatawag na timely and correct collection of taxes.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na magkakaroon ng pagbabago lalo na sa uploading ng payment, registration ng new registrants at updates sa data base ng BIR.
Aniya sa walong module ay isa pa lamang ang kanilang nasisimulan sa ngayon.
Ang IRIS ay binubuo ng walong application modules at dalawang Technical Modules.
Ang walong application modules na gagamitin ng personnel sa ilalim ng Operations Group at Legal Group ay ang Taxpayer Registration System (TRS), Collection Remittance and Reconciliation (CRR), Returns Filing and processing, Case Management System (CMS), Taxpayer Compliance System (TCS), Audit Selection System, Taxpayer Accounting System at Tax Credit and Refund.
Ang dalawa namang Technical modules na gagamitin ng mga opisina sa ilalim ng Information Systems Group ay ang Administration Module at Batch Architecture Module (BAM).



“May pre rollout na ginawa so nakita naman na medyo maayos basta isa pa lang module ang nasasimulan namin, walo yan dapat, so including na sana yung sa e-card, payment system, collection so sa ngayon registration pa lang,” ani De leon.
“All the rest naman gagamit pa kami nung dating system ITS dahan- dahang ilipat sa IRIS so yun dun tayo ngayon magkakaroon ng pagbabago pero kami yung mag adjust dun kaya lang ang hingi lang po namin sa taxpayer, siyempre, since nga may pagbabago baka po medyo magkakaroon dun ng content delay lalo sa uploading ng payment ay siyempre baka dun baga nagsisimula yung galit ng taxpayer.”
Sa ilalim ng bagong sistema ay mas mapapabilis umano ang proseso at sa pamamagitan din nito ay mababawasan ang physical contact lalo na ngayong panagon ng pandemya.
Mababatid na hanggang sa kasalukuyan ay mahigpit ang pagpapatupad ng health protocols sa RDO 64 kung saan limitadong- limitado lang ang pinapapasok.

