SND Lorenzana pinabulaan ang paratang ni Parlade kay Sen. Go at PRRD

Idinepensa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher Bong Go sa mga naging paratang ni retired Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Ayon kay Lorenzana walang basehan ang naging pahayag ni Parlade na pinapa-ikot at kontrolodo umano ni Go ang mga desisyon ng Pangulo.

Paliwanag ng defense chief, matagal na niyang kilala si Pangulong Duterte at noon pa man ay may sariling paninindigan ito sa mga direktibang inaatas sa kanila at kahit kailan ay hindi niya nakitaan na dini-diktahan ito ng sinuman.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Dagdag pa ni Lorenzana hindi masusukat ang suporta ni Senador Go sa DND at AFP dahil ito ang kanilang nagiging tulay sa Pangulo.

Sa katunayan si Senador Go din umano ang nagtiyak na maipatutupad ang doble-sweldo sa mga uniformed personnel na unang ipinangako ni Pangulong Duterte.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Pinabulaanan din ng kalihim na may namumuong tensiyon o diskuntento sa hanay ng AFP.

Una nang sinabi ni Go na walang kumukontrol sa Pangulo dahil matalino itong tao.

“Nasagot na mismo ni Pangulong  Duterte na walang nagkokontrol sa kanya, may mga statement siya, siya mismo ang nagsabi na hindi naman siya magiging pangulo kung pinapaikot lang siya ng ibang tao. Matalino po ‘yang  Pangulong Duterte, naging pangulo nga ‘yan eh at iginagalang,” bahagi ng pahayag ni Go.