Alyas Bikoy prime suspect sa pagpatay sa 3 kandidato sa Donsol, Sorsogon; personal grudge, motibo

BICOL—Itinuturing na bilang prime suspect sa pagpatay sa tatlong kandidato sa local na konseho ng Donsol, Sorsogon si Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’.

Ito ang kinumpirma ni Police Lieutenant Colonel Bogart Arao, hepe ng Daraga Municipal Police Station kung saan ‘personal grugde’ ang kanilang nakikitang motibo.

Paliwang ni Arao, umuutang umano si alyas Bikoy sa isa sa mga pinaslang na si Helen Garay Advincula na family friend din umano ng suspek ngunit hindi ito napagbigyan.

Posibleng dahil na rin sa mga dating record nito sa mga kinasasangkutang kasong estafa kung kaya ito tinanggihan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Maliban dito, gusto rin sana umano ni alyas Bikoy na mapabilang sa grupo ng tatlo para sa ambisyon sa pulitika pero hindi rin an mga ito isinama sa kanilang slate.

Dahil dito, posible umanong nagkimkim ng galit ang suspek laban sa mga biktima na siyang dahilan ng pagpatay.

Magugunita na nitong nakaraang Biyernes nang magulantang ang lahat nang matagpuan ang bangkay ng mga biktimang sina Garay na kumakandidatong bise alkalde ng Donsol at kasalukuyan ding konsehal at Karen Averilla y de la Rosa at Xavier Mirasol na kapwa kumakandidatong konsehal sa isang ukay-ukay store sa Barangay Busay sa Daraga, Albay.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa imbestigasyon, caliber 9mm na baril ang ginamit sa pagpatay sa mga biktima.

Nahaharap si alyas Bikoy sa kasong 3 counts of murder at isang count ng attempted murder para sa muntik pang pagdamay sa witness na si Lalaine Amor Herrera.

Ayon kay Arao nakitaan ng probable cause ang mga inihaing kaso at ngayon ay nasa Provincial Prosecutors Office na habang nananatiling nakapiit ang suspek.### | slm