SORSOGON CITY- Umabot sa 123 personahe ng SK3 (Seguridad Kaayusan Katranquilohan Kauswagan) sa lungsod ng Sorsogon ang nakatanggap ng mga bagong set ng uniporme kasama na ang sapatos na goma at bitamina na ipinagkaloob rito ng lokal na pamahalaan.
Isinagawa ang distribusyon nitong nakatalikod na araw sa Gymnasium ng Brgy Talisay sa nasabing lungsod.
Ang set ng uniporme ay kinabibilangan ng 3 bagong unipormeng pantaas, reflectorized pants, fraffic vest at gloves, kapote, sumbrero, water proof na sapatos na goma at suplay ng bitamina hanggang sa tatlong buwan.
Kasabay nito, ay pinangakuan rin ng lokal na pamahalaan ng salary increase ang mga SK3 bilang pagsaludo sa maayos na pagseserbisyo ng mga ito sa mga Sorsoganon.

