PNP personnel nagsagawa ng road clearing operation sa Daraga, Albay ordinansa na “NO PARKING” area mas pinahigpit

PNP PERSONNEL NAGSAGAWA NG ROAD CLEARING OPERATION SA BAYAN NG DARAGA; ORDINANSA NA NO PARKING AREA HINIGPITAN NG DARAGA PNP

LEGAZPI CITY – Muling nagsagawa ng road clearing operation ang Daraga Municipal Police Station at Public Safety Office para sa minimithiing mapanatili ang kaayusan sa trapiko sa bayan ng Daraga.

 Kahapon muling ikinasa ng mga awtoridad na pinangunahan ng kanilang Hepe na si PLTCOL BOGARD B ARAO, katuwang ang Daraga PSO upang ipatupad ang mga batas at ordinansa para sa maayos at malinis na kalsada upang tuloy tuloy ang byahe ng mga jeepney na walang nakaparadang sasakyan sa tabi ng kalsada.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Mismong si PLTCOL ARAO ang nanguna sa pagpapatrolya sa kahabaan ng Daraga Business District, at nagsagawa ng road clearing operation upang maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko at aksidente sa kalsada. Nasita at nabigyan ng kaukulang Citation Ticket ang mga motoristang pumaparada sa mga “No Parking Area”, at ganun din ang mga nahuling lumabag sa “No Jaywalking” Ordinance, at health safety protocols.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nananawagan ang nasabing Hepe sa pang unawa at kooperasyon ng mga minamahal na Daragueños, at sa iba pang miyembro ng komunidad na ugaliing sumunod sa mga batas at ordinansa para makaiwas sa multa, at abala. Dagdag pa nito panatilihin ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili para sa mas maunlad at payapang bayan ng Daraga.