Sistema ng transportasyon sa Barcelonita-Sipocot, Camarines Sur, nananatiling magulo

CAMARINES SUR – Nananatiling magulo ang sistema ng transportasyon partikular sa mga tricycle sa pagitan ng Barcelonita, Cabusao at Sipocot Camarines Sur dahil pumapasada pa rin  hanggang ngayon ang mga tricycle na galing sa Sipocot papuntang poblacion ng Cabusao at ibang parte ng bayan.

Buwan ng Hunyo nang iparating sa Brigada News FM Naga ni Rene Delos Santos, Terminal In Charge ng Barcelonita-Sipocot Transport Services Corporation ang problemang ito. Nakuha na rin ang pahayag ni Mayor Tomas Bocago ng Sipocot tungkol sa usapin at sinabing bukas naman silang pag-usapan ito basta’t magpadala ng pormal na liham sa kanilang opisina.  Dagdag pa ni Delos Santos, nakausap niya na rin ang Committee on Transport sa Cabusao at sinabing gagawan ito ng paraan. Mahigit isang buwan na ang nakakalipas ngunit wala pa ring naibibigay na solusyon ang magkabilang bayan ukol dito.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan
Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Samantala, hindi rin sang-ayon si Delos Santos sa pagpasa ng motorcycle for hire at planong pagsuspende sa Public Utility Vehicle Modernization. Aniya, bukod sa maaapektuhan ang kita nila dahil sa mga kakompetinsyang motorsiklo, mawawalan din ng saysay ang kanilang pagpapaconsolidate para sa modernong jeepney na isinusulong ng gobyerno na inakala nilang makatutulong sa kanilang hanapbuhay.