Balasahan sa mga Provincial Director sa Bicol Region, ipinaliwanag

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Philippine National Police – Police Regional Office 5 ang pagkakaroon ng balasahan sa mga Provincial Director sa Bicol matapos i-reassign ang ilan sa mga director ng PNP sa rehiyon.

Ayon kay PNP PRO 5 Regional Director PBGen. Andrei Dizon, sasailalim sa schooling ang isa sa mga inalis at naabot na rin ng isang director ang pananatili nito sa kanyang nasasakupan sa probinsya.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Aniya, regular rotation lamang ang nangyayari sa hanay ng pambansang pulisya at wala itong kinalaman sa kanilang panunungkulan.

Dagdag pa nito, kinakailangan din umanong habulin ng isang opisyal ang career sa PNP para sa pag-akyat ng rangko o promotion nito.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Binigyan diin ng opsiyal, mayroong karapatan ang isang Local Chief Exective sa kanyang nasasakupan kung sinu ang kanyang magiging hepe dahil sa mayroong polisiya ang PNP sa pagpapalit ng Chief of Police sa kanilang lugar.