Sinovac kaunti na ang tumatanggi; 800 jabs per day sa Naga City, kinukulang na

NAGA CITY- Umabot na sa 59, 674 ang nakatanggap ng 1st dose ng bakuna kontra COVID-19 habang 44, 430 ang naturukan ng 2nd dose sa Naga City. 146, 035 ang target sa 208, 622 na populasyon.

Sinabi ni City Health Officer Dr. Butch Borja na marami na ang hindi namimili ng bakuna. Kung dati ay inaayawan o umaalis sa vaccination site kung nalaman nang Sinovac ang ituturok ngayon ay marami na rin ang tumatanggap nito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

800 jabs per day ang target nila subalit minsan ay nauubos na kaagad kung kaya ayon kay Borja nagkakaroon na ng 1, 500 jabs bawat araw subalit depende aniya ito sa ibinababang bakuna mula sa central office.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Upang mapabilis pa ang vaccination roll out, nagpapatuloy ang home at barangay vaccination. Kahapon binuksan ang Jesse M. Robredo Coliseum para sa mga nais mag walk-in.