CAMARINES NORTE- Apat na aktibong miyembro ng CTG o Communist Terrorist Group ang sumuko kahapon sa mga operatiba ng Camarines Norte PNP sa pamumuno ni PCol Julius Guadamor bitbit ang kani-kanilang mga armas.
Sa nakalap na impormasyon ng Brigada news FM daet, sumuko ang mga NPA sa mismong mga tauhan ng 3rd Platoonng Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company
Kabilang si Ka “Adoy”, 44 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Purok 3 , Brgy. Bagacay, Mobo, Masbate kung saaan bitbit nito ang kanyang armas na isang kalibre .38 na may tatak na Smith and Wesson at naglalaman ng anim (6) na bala. Kasama nito sina Ka “Owen” 35 anyos, residente ng Purok 3, Barangay Baang, Mobo, Masbate bitbit ang kanyang .45 pistol na naglalaman ng isang (1) magazine, anim (6) na bala para sa nasabing baril at apat (4) pang magazine para sa kalibre 5.56 na may apatnapu’t apat (44) na bala at isang bandolier;.
Bukod dito kasama pa si Ka “King”, 27 anyos, isang mangingisda at residente ng Purok 5, Barangay Bagacay, Mobo, Masbate na may dalang .45 pistol, isang (1) magazine at anim (6) na bala para sa kalibre .45 at dalawampu’t isang (21) bala para sa shotgun at si Ka “Ikong”, 32 anyos, isang construction worker at residente ng Purok 7, Barangay Bagacay, Mobo, Masbate na may bitbit na kalibre .38 na baril na naglalaman ng anim (6) na bala at apat (4) na pirasong Improvised Explosive Devices (IEDs).
Ang mga armas ng mga dating rebelde ay mga walang serial number at nasa kostudiya na ng PNP.
Ayon kay Col Guadamor, ang mga sumukong rebelde ay mga miyembro ng Larangan 1 (L1), Bicol Regional Party Committee (BRPC), Komiteng Probinsya 4 (KP4), Komiteng Larangan Guerilla 1(KLG1) at ng Rehiyon Yunit Guerilla (RYG) na nagsasagawa ng operasyon dito sa probinsya ng Camarines Norte.
Sa isinagawang Press Briefing, sinabi ni Col Guadamor na ang pagsuko ng mga nabanggit na personahe ay resulta ng malawakan at walang humpay na operasyon ng buong hanay ng kapulisan sa Bicol Region sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 kaagapay ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

