NAGA CITY –Isa sa pinaghahandaan ng mga opisyal ng barangay sa Naga City ay ang mangyayaring taunang Simbang-Gabi na magsisimula sa December 15, at misa de Aguinaldo Dec 16, ng madaling-araw na tiyak na dadaluhan ng marami lalo na mga kabataan o mga menor de edad.
Posibleng mangyari na naman ang mga senaryong awayan o bugbugan ng mga menor laban sa kapwa menor, na dapat ngayon pa lang ay may mga hakbang ng inihanda ang bawat barangay.
Sinabi ni Concepcion Grande Punong Barangay Jerrold Rito sa Brigada News FM Naga, mas magiging alerto ang mga barangay tanod, sisitahin ang mga kabataang may kahina-hinalang kilos na pupunta ng simbahan.
May pakiusap din si Rito sa mga magulang na sana ay kilalanin ang mga kasama ng mga anak kung lalabas ng bahay at laging paalalahanan na mag-iwas sa anumang gulo.