Shiela Guo, hindi pa umano dapat ipa-deport ng BI, ayon sa senador

Posibleng ipinapakita lang umano ng naging paghahain ng deportation case laban kay Shiela Guo na dalawa talaga ang mga pasaporte nilang magkakapatid.

Kasunod nito, maari umanong may Chinese passport at Philippine passport si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kanyang ginagamit sa kanyang mga byahe.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kaya kung ikokonsidera ang sitwasyong ito ayon kay Gatchalian, dapat lang na hindi muna ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang kapatid ni Guo.

Kung gagawin kase ito ay maaring hindi nila magawa ang kanilang mandato sa gitna ng outstanding warrant of order nila laban dito.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Matatandaan, makikitang magkaiba ang date of birth ni Shiela sa kanyang hawak na Philippine at Chinese passport na isa umanong pagpapakita ng undesirability at misrepresentation ayon sa BI.