Arestado ang isang Chinese national matapos makumpiskahan ng hinihinalang iligal na droga sa Barangay 76, Zone 10 sa Pasay City.
Ayon sa Southern Police District, unang nasita ng mga tauhan ng Pasay City Police ang 33-anyos na suspek na si Huang dahil sa pag-ihi sa pampublikong lugar.
Nang lapitan ng mga pulis at bigyan ng citation ticket, tinangkang tumakas ng suspek at nagkaroon pa ng habulan matapos maaresto.
Sa isinagawang standard na body search, nakumpiska sa dayuhan ang ilang drug paraphernahlia kabilang ang ang improvised glass pipe, improvised plastic bottle at ilan pang items.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa Revised Penal Code bukod pa ang paglabag sa ordinansa ng siyudad.