Pagtipon-tipon ng halos apat na libong mga local chief executive sa Local Governance Summit, pagpapakita ng pakikiisa – PBBM

Dumalo si Pangulong Bongbong Marcos sa huling araw ng Local Governance Summit 2024 kaninang umaga na ginanap sa PICC sa Pasay City.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan nito ang pagdalo ng halos apat na libong mga Local Chief Executives na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Presidente na ang pagdalo nila sa summit ay pagpapakita ng pakikiisa sa isinusulong na agenda ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Anya, isang oportunidad ang naturang pagtitipon upang mapagnilayan ng mga LCE ang malaking responsibilidad na naka atang sa kanilang balikat, lalo na sa pag transform sa kanilang komunidad at sa buhay ng kanilang mga nasasakupan.