Mahaharap sa kasong paglabag sa Immigration laws, Obstruction of Justice, at paglabag sa Passport Act si Cassandra Ong habang paglabag naman sa Passport Act ang kahaharapin ni Shiela Guo.
Matatandaang may inilabas nang arrest order laban sa kanila ang Kongreso at Senado dahil sa hindi nila pagdalo sa mga pagdinig para sa hearing hinggil sa POGO sa Bamban Tarlac at Porac Pampanga.
Naharang ang dalawa ng mga otoridad sa Indonesia matapos subukang lumipad papunta sa Singapore.
Sa ngayon mananatili muna sina Guo at Ong sa National Bureau of Investigation sa Quezon City.
