Mas tumibay ang paniniwala ng Department of Justice na konektado ang sinalakay na POGO hub sa Bamban Tarlac at Porac Pampanga.

Kasunod ito ng pagkakahuli sa kapatid ni dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na si Shiela Guo at ang kinatawan ng Lucky South 99 na si Casandra Ong.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, naniniwala siyang konektado ang dalawang POGO hub sa kabila ng pagtanggi ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.
Matagal na umanong naniniwala si Presidential Anti-Organized Crime Commission Winston John Casio na konektado talaga ang dalawang POGO hub.